57

By

Martin del Rosario mararanasan ang hirap ng kasundaluhan sa ‘Uniporme’ Hero Serye

Sharing is caring!

Pilot episode ngayong Sabado ng Uniporme, isang Hero Serye na magpapakita sa kabayanihan ng mga men and women in uniform.

Tatampukan ito ng Kapuso actor na si Martin del Rosario at mapapanood ngayong September 8, 3pm sa GMA News TV. Ito ay isang weekly TV series na mapapanood sa naturang TV network.

Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan at host dito sina Leonora Sy at PC Supt Rhodel Sermonia. Si JayR Rosales naman ang Production Head at Assistant Producer.

Ayon kay Martin, dito niya naranasan kung gaano kahirap maging miyembro ng

SAF o Special Action Forces.

“Gagampanan ko po rito si SPO1 Adolfo Andrada, isa po sa mga top member ng SAF, ang highlight ng istorya or episode na tinatampukan ko ay yung mga kabayanihan ng mga SAF.

“Habang ginagawa namin ito, nalaman ko kung gaano kahirap yung training nila. Na iyong vest na suot nila na parang may mga plato pa sa dibdib, ang bigat pala niyon,” nakangiting pahayag ni Martin.

Saad pa niya, “Iniimbitahan ko po kayo na panoorin ang pilot episode ng Uniporme, ngayong Sabado na po, 3-4 pm sa GMA-News TV.”

Si SPO1 Andrada ay survivor sa ill-fated mission ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao. Siya ay former member ng 84th assaulter na bahagi ng assault team na sumalakay sa kuta ng Malaysian bomb maker na si Zulkifli Bin Hir Alyas Marwan.

Si SPO1 Andrada ay isa sa pulis na napili ng Metrobank Foundation Inc. at iba pa nitong partners bilang Outstanding Police Officers in Service for 2015 ng bansa. Sa kasalukuyan, siya ang chief ng Moral and Welfare Officer and Values Restoration Officer sa Cordillera Aministrative Region Training Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?