111

Oct 12, 2017 @ 10:40

Martin at anak na si Santino, todo-bonding sa Las Vegas

By JUN LALIN

NAKITA namin si Martin Nievera sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California noong Martes ng gabi (kahapon ng tanghali sa ‘Pinas). Kadarating lang ni Martin mula sa ‘Pinas.

Nang mag-text kami kay Martin, nagulat pa siya at hinanap niya kami, pero nakaalis na kami.

Papunta na rin kasi ng Las Vegas, Nevada si Martin at dadalawin niya ang anak na si Santino.

May ilang shows din sa Amerika si Martin at noon pa niya sinasabi na kaya madalas siyang tumatanggap ng shows doon ay para palagi niyang nadadalaw ang bunsong anak.

Kapag nasa Amerika si Martin, wala siyang kapaguran sa pamamasyal kasama si Santino. Madalas nga ang mag-ama sa ilang amusement parks na gustung-gusto ng bunso ni Martin.

Habang nagta-type nga kami ng column item na ito, nag-message pa sa amin si Martin na kadarating lang daw niya sa Las Vegas.

“Bringing Santino to Disneyland. We leave (Las Vegas) Friday. Then I drive him back before I get busy,” sey ni Martin.

Dahil sa Las Vegas nakatira ang kanyang anak at second home rin niya ang lugar na ‘yon katulad ng Hawaii (kung saan ay matagal din siyang nanirahan), naging sentimental si Martin kamakailan nang magkaroon ng mass shooting sa isang concert doon kung saan ay napakaraming namatay sa tinaguriang ‘deadliest mass shooting in modern US history’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?