15

Sep 4, 2020 @ 11:01
By

Martial Law survivor tutol sa ‘Marcos Day’ bill

Hindi dapat pinagdiriwang ang kapanganakan ng isang lalaking kinulong at tinortyur ang maraming Pilipino, ayon sa isang survivor ng Batas Militar.

Pambabastos aniya ito sa naranasan nilang sakit noong panahong iyon.

Kuwento ni Neri Colmenares, edad 18 siya nang ipakulong nang apat na taon ni yumaong diktador Ferdinand Marcos Sr..

Ang dahilan aniya ng kanyang pagkakakulong ay binatikos niya ang pagbabawal ni Marcos sa mga student council.

Sinabi rin ni Colmenares, ngayo’y edad 60, na maraming Ilocano ang dinakip at inabuso noong panahon ng Martial Law.

“When i was 18, I was tortured and imprisoned by Marcos for 4 years because i criticized him for banning student councils. Many ilocanos were also imprisoned then,” tweet ni Colmenares, na siya ring chairperson ng Bayan Muna, Setyembre 3.

“We cannot celebrate the birth of a man who imprisoned and tortured Filipinos. This is adding injustice to our pain,” aniya pa.

Ginawa ni Colmenares ang pahayag matapos ipasa ng Kamara ang panukalang batas na dinedeklara ang Setyembre 11 bilang isang special non-working holiday sa Ilocos Norte para gunitain ang araw ng kapanganakan ni Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?