50

Oct 16, 2017 @ 15:18

Martial Law sa Mindanao, ituloy pa rin

Dapat na magpatuloy ang implementasyon ng Martial Law sa Mindanao kahit napatay na ang dalawang lider ng Maute Group sa operasyon ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Senador Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri, kailangan pa ang implementasyon ng batas militar upang maisagawa na ang rehabilitasyon sa lungsod.

“I fully support the continuation of Martial Law in the Marawi till December 31 in these areas so that human, material and financial resources can be fully utilized and rehabilitation will be achieved at a shorter time, sooner than later,” saad ni Zubiri.

Bilang Mindanaoan aniya, tiniyak nito na kanyang susuportahan ang mga hakbangin para sa pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa Marawi City.

Umaasa naman si Senador Sherwin Gatchalian na matatapos na ang labanan sa lungsod at masisimulan na ang isa pang malaking pagsubok sa pamahalaan at ito ay ang muling pagbangon sa lungsod. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?