149

Nov 4, 2017 @ 15:38

Martial Law sa Mindanao hanggang Disyembre, OKs sa arsobispo

Bagama’t tapos na ang giyera sa Marawi City, pabor si Ozamis Archbishop Martin Jumoad na patagalin pa hanggang Disyembre 31, 2017 ang Martial Law sa Mindanao.

Para kay Jumoad, mainam na bigyan ng pagkakataon ang militar na gawin ang kanilang mandato hanggang sa Disyembre na itinakdang palugit ng Kongreso nang palawigin nito ang batas militar na unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo.

“Mahirap talaga kapag nandito kayo sa war-torn area. Then you will understand deeper, why?,” giit ng arsobispo.

Dagdag pa ni Archbishop Jumoad, noon pa namang ideklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law ay nagkasundo na ang mga obispo sa Mindanao na suportahan ang deklarasyon basta’t matiyak lamang na hindi magkakaroon ng paglabag sa karapatang pantao.

“We have already our position when Martial Law was declared, then there was no vehement objections coming from other bishops of Mindanao,” paliwanag ni Jumoad.

Nauna nang inihayag ni Jumoad na kailangang paghusayin ng gobyeno ang pagsusulong na maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa Lanao del Sur at iba pang lalawigan. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?