32

Oct 19, 2017 @ 16:23

Martial Law sa Mindanao, bawiin na

Hinimok ng oposisyon sa kamara si Pang. Rodrigo Duterte na agad nang i-lift ang martial law sa Mindanao.

Kasunod ito nang pagkakapatay kina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Sa isang pahayag, iginiit ng grupong Magnificent 7 sa kamara na wala nang dahilan para patagalin pa ang batas militar dahil wala nang banta ng terorismo sa rehiyon.

“Martial law has lost its reason for being. It is no longer justified as the actual threat of terrorism no longer exists,” ayon sa grupo.

Kung patuloy pa anilang iiral ang martial law ay maapektuhan na ang karapatan ng mga mamayan at maantala ang pagbuhay sa lokal na turismo.

“Prolonging it has unduly affected the basic rights of citizens to assemble peaceably for redress

of grievances, to travel without restrictions and harassment, and for local tourism to be revived,”

Binigyang diin naman ng mga ito  na dapat tugunan ang pangangailangan ng mahigit 200,000 internally displaced persons na resulta ng giyera.

Dapat anilang pakinggan ang boses ng mga ito sa gagawing rehabilitasyon ng Marawi City.

Ang Magnificent 7 ay kinabibilangan nina Reps. Edcel Lagman(Albay), Gary Alejano(Magdalo Party-list), Teddy Baguilat(Ifugao),Edgar Erice(Caloocan City), Tom Villarin(Akbayan), Raul Daza(Northern Samar) at Emmanuel Billones(Capiz). (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?