66

Oct 20, 2017 @ 17:48

Martial law mananatili sa Mindanao – Palasyo

Hindi aalisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao kahit napatay na ang mga terrorist leaders na sina Isnilon Hapilon, Omar Maute, at Dr. Mahmud Ahmad.

Ayon kay kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, babawiin lamang ang Martial law kapag napatay na ang huling terorista sa Marawi City.

“The death of the ringleaders of the Marawi rebellion, which include Omar Maute, Isnilon Hapilon, and Dr. Mahmud Ahmad, does not automatically result in the lifting of martial law,” sabi ni Abella sa press briefing kahapon.

Aniya, may naiwan pa ring mga galamay ng mga Maute supporters sa patuloy na nakikipag-alyansa sa Islamic State.

“There are remnants including networks supporting the Maute cause within Mindanao. The President is duty-bound not to compromise public safety,” saad ni Abella.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?