41
Harry-Roque
Dec 11, 2017 @ 16:53
By

Martial law, ipapalasap din sa NPA – Roque

Hindi lamang mga rebeldeng grupo sa Mindanao ang makakaramdam sa ngipin ng martial law kundi kasama na rin dito ang New People’s Army o NPA.

Ito ay kung sakaling aprubahan ng Kongreso ang panibagong hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na 1-year extension muli ng batas militar sa Mindanao.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na gagamitin ng Pangulo ang buong puwersa ng martial law sa NPA lalo na kung nakikisabay sila sa rebelyon ng ibang grupo sa isla ng Mindanao.

“This was the recommendation of the administrator of martial law, Defense Secretary Delfin Lorenzana, and we have no basis to question the factual finding of the troops on the ground and our commanders on the ground.

“For as long as there are acts of rebellion being committed in the island province of Mindanao , yes he will use the full force of martial law against the NPA as well. Its is an ongoing armed conflict and I think we know how an ongoing armed conflict is effected ‘no, unfortunately there will be fighting between the government forces and the NPA,” ang pahayag ni Roque.

Kumpiyansa ang kalihim na pagbibigyan ng Kongreso ang panibagong kahilingan ng Pangulo dahil mayroon pang natitirang panahon para pagpasyahan ito.

“I believe so, because there’s talk that Congress will either convene in joint session either on Wednesday or Thursday. So if its Thursday, they will have to have a special session,” dagdag pa ni Roque.

Kasabay nito, sinabi pa ni Roque , na nakahanda ang ehekutibo sa mga panibagong pagkuwestiyon ng ilang grupo sa Korte Suprema sakaling mapagbigyan ang panibagong hirit ni Pangulong Duterte ng extension ng martial law. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?