harry-roque
By

Martial law hindi pa napapanahon para alisin sa Mindanao – Palasyo

Sharing is caring!

Hindi pa nakikita ng Malacañang ang pangangailangan na tanggalin ang martial law na ipinatupad sa buong Mindanao.

Tugon ito ng Palasyo sa panawagan ng ilang mambabatas na miyembro ng partylist group na alisin na ang batas militar kasunod ng isang taong anibersaryo ng Marawi siege matapos kubkubin ng Maute ISIS terror group noong Mayo 23, 2017.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatanggalin lamang ang ipinatupad na batas militar kapag matatag na ang sitwasyong pang-seguridad sa Mindanao.

Wala aniyang may gusto na magkaroon ng martial law at ipinatupad ito ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapigilan ang ibayo pang panggugulo ng mga teroristang grupo.

“Wala pong gusto na magkaroon ng martial law beyond the necessity of having martial law. So the palace would like to assure the public that the moment the need for martial law ceases it would be lifted. But certainly one year after the siege, the need to lift martial law is not yet here. So it will be lifted as long as there is no need for martial law,” ani Roque.

Bagama’t isang taon na matapos ang Marawi siege, sinabi ni Roque na may pangangailangan pang magpatuloy ang implementasyon ng martial law dahil nagpapatuloy pa ang rehabilitasyon sa lungsod.

Bukod dito, sinabi ni Roque na mas panatag ang mga residente sa Marawi City sa pag-iral ng martial law dahil mayroon pang natitirang latak ng Maute ISIS na nasa paligid ng Lanao Lake na posibleng umatake kaya’t nananatili ang puwersa ng mga sundalo sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?