34

Dec 13, 2017 @ 11:58
By

Martial law extension, tinalakay na ng Senado at Kamara

Nag-convene na sa joint session ang Senado at Kamara para talakayin ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin nang isang taon ang martial law sa Mindanao.

Humarap sa mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang mga opisyal ng ehekutibo sa pangunguna nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, Defense Secretary Delfin Lorenzana, DILG Usec. Eduardo Ano at AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero.

Sa report ng Malakanyang na binasa ni Medialdea, nakasaad na kailangan ang martial law extension dahil hindi pa lubusang kontrolado ang rebelyon sa Mindanao kahit napatay ang mga lider ng teroristang grupo at lumaya na sa terorismo ang Marawi City.

Binigyang-diin naman ng opisyal na hindi humihingi ang Pangulo ng ‘unlimited martial law’.

“We do not ask for an unlimited martial law. What we are seeking is an unlimited peace,”ani Medialdea.

Idinepensa rin ni Lorenzana na siya ring martial law administrator ang kahilingan ni Pangulong Duterte sa pagsasabing nagpapatuloy ang recruitment ng Maute group kaya nananatili ang banta sa seguridad sa rehiyon.

“The situation in Marawi has substantially changed from the time that our troops were fighting the ISIS-inspired Maute group,” sabi Lorenzana.

“However, as situation developed later on, ISIS-inspired groups in Mindanao… the reports now, they are actively recruiting again some of the Muslim youths in the area and that is why we are seeing that the rebellion has not stopped, it just moved to another place,” dagdag pa ng kalihim.

Hiniling ng Presidente sa Kongreso na i-extend ang martial law sa Mindanao at ang suspensiyon ng writ of habeas corpus mula Enero 1, 2018 hanggang Disyembre 31, 2018. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?