45

Dec 12, 2017 @ 13:11
By

Martial law extension sigurado na – Drilon

Walang duda na aaprubahan ng Senado at Kamara ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ng isang taon pa ang umiiral na martial law sa buong Mindanao.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na paniguradong makukuha ang kailangang boto para rito dahil kapanalig ng Malacañang ang super majority ng Kamara at ang mayorya ng mga senador.

“I think the authorization of Congress to extend martial law in accordance with the request of the President is a foregone conclusion,” ayon kay Drilon.

“Congress is a political body. The President has super majority in both Houses and therefore it is expected that notwithstanding our reservations and opposition, the Congress will authorize the extension of martial law for one year in the entire Mindanao,” dagdag ni Drilon.

Bagaman batid na matatalo sila sa botohan, sinabi ni Drilon na titindig pa rin sila sa Senate minority bloc upang maipunto ang kanilang pagtutol dahil sa “constitutional issues”.

Una nang sinabi ni Drilon na walang basehan ang martial law extension at ang suspensyon ng writ of the privilege of habeas corpus.

Idiniin na batay sa Konstitusyon, maidedeklara lang ang martial law kapag mayroong rebelyon o pananakop o invasion, na wala naman umano sa kasalukuyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?