By

Martial law extension sa Marawi, tinitimbang pa ng AFP

Sharing is caring!

Nagsasagawa pa rin ng security assessment ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong Mindanao.

Layon nitong matukoy kung dapat pang palawigin ang umiiral na batas militar sa Mindanao na magtatapos na sa susunod na buwan matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa limang buwang giyera sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay AFP spokesperson Major General Restituto Padilla, ginagawa na nila ang lahat upang malaman kung may banta pa ng terorismo sa Mindanao upang hindi na maulit ang nangyari sa Marawi City.

Pagkatapos aniya ng kanilang ginagawang security assessment ay magsusumite sila sa Malacañang ng nararapat na rekomendasyon bago matapos ang taon.

Sa kasalukuyan, nakatutok ang AFP sa kanilang layuning mabawasan o totally ma-eliminate ang kakayahan ng mga terorista na muling makapanggulo sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?