13

By

Martial law extension nilalakad ni Duterte kay Sotto

Sharing is caring!

Nagpasabi na si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate President Tito Sotto na palalawigin niya ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay Sotto, natanggap niya ang mensahe ng Pangulo na magpapatawag ito ng joint session ng Senado at Kamara sa Disyembre 12 para paaprubahan ang pagpapalawig ng martial law.

Sa Konstitusyon, nakatadhana na kailangang katigan ng Senado at Kamara sa kanilang joint session ang deklarasyon o kaya ay extension ng martial law.

Ganunpaman, sinabi ni Sotto na matitiyak lamang ito kapag natanggap na niya nang pormal ang sulat ng Pangulo.

“I’m still waiting for the President’s letter re (regarding) joint session. He sent me a message saying he might call for it on Wednesday, December 12. But nothing is concrete until I receive his letter,” ayon kay Sotto.

Kaugnay nito, sinabi ni Sotto na nakatakda na silang bigyan ng briefing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa stiwasyon sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?