50

Dec 10, 2017 @ 12:33
By

Martial law extension, labag sa constitutional limit – Lagman

Hindi umano naaayon sa Saligang Batas ang planong pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang napipintong extension ng batas militar ay labag sa grounds at duration na itinatakda ng 1987 Constitution.

“The Constitution envisions a short duration of martial law. The initial declaration must not exceed 60 days, and its extension is subject to the same constraints,”pahayag ni Lagman.

“An extension of one (1) year as proposed by the police and military establishments constitutes “perpetuity” which defies the Constitution,” dagdag ng kongresista.

Binigyang-diin rin ni Lagman na ang martial law ay maaari lamang ideklara at palawigin kung merong malinaw na kaso ng pananakop o rebelyon at kung kinakailangan para sa kaligtasan ng publiko.

“There is neither actual invasion or rebellion in Mindanao after Marawi City was declared by President Rodrigo Duterte as liberated from rebel and terrorist forces almost two (2) months ago,” giit ng mambabatas.

Mismong ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) anya ang nagsabi na ang natitirang banta na lamang ay ang napaulat na pagre-recruit ng Maute group.

Pero sabi ni Lagman, hindi kasama sa grounds nang pagdedeklara ng martial law ang banta lamang.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos irekumenda ng PNP at AFP ang isang taon pang pagpapairal ng martial law sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?