39

Dec 8, 2017 @ 13:53
By

Martial law extension, desisyon na ni Duterte – AFP

Naisumite na sa Malacañang ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa extension ng martial law sa Mindanao.

Sa Bangon Marawi briefing sa Malacañang, sinabi ni AFP Spokesman Restituto Padilla na nasa pagpapasya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung pagbibigyan ang rekomendasyon para sa martial law extension.

Nakatakdang magtapos sa katapusan ng taon ang bisa ng martial law na naunang pinalawig ng Kongreso.

Sinabi ni Padilla na nananatili ang banta ng iba’t ibang grupo sa Mindanao at bagama’t na-neutralized ang terror group na lumusob sa Marawi City, may ilang nakaligtas na nagsisimulang mag-recruit muli at nag-aalok ng pera sa bawat bagong miyembro.

Ito aniya ang ayaw nilang mangyari ulit, ang makapagpalakas ang grupo para maghiganti.

“There are still many threats that we still face in the island of Mindanao, like the Dauna Islamiyah where the Maute, the ASG and other terrorist organizations are part of, and they still remain to be a threat. Although they have significantly been degraded in terms of capability and manpower, those who survived that siege still remain at large and attempting to recover by recruiting other members of the society, like students, children and relatives of those who lost in the Marawi crisis,” ang pahayag ni Padilla.

Ayon pa sa AFP spokesman, nananatili rin ang banta ng Bangsamaro Islamic Freedom Fighter at Abu Sayyaf Group sa mga isla ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi kaya dapat lamang na mapalawig ang martial law sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?