46

By

Marso 22 idineklara ni Duterte bilang Emilio Aguinaldo Day

Sharing is caring!

Prinoklama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng Marso 22, 2019 bilang Emilio Aguinaldo Day bilang paggunita sa ika-150 kaarawan ng unang pangulo ng bansa.

Ang deklarasyon ay nakapaloob sa Proclamation no. 621 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayong muling pag-initin ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa ilalim ng proklamasyon, inaatasan ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para pangunahan ang paghahanda para sa selebrasyon ng kaararwan ni Aguinaldo sa susunod na taon.

Inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan, local government unit, government-owned and controlled corporations at educational institutions na suportahan ang NHCP sa gagawing paghahanda para sa selebrasyon ng Emilio Aguinaldo Day.

Si Aguinaldo ang kinilalang kauna-unahan at pinakabatang presidente ng Pilipinas at unang pangulo rin sa ilalim ng Constitutional Republic sa Asya.

Ipinanganak ito noong Marso 22, 1869 sa Kawit, Cavite at namatay noong Pebrero 6, 1964.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }