56

Jan 24, 2020 @ 19:39
By

‘Marry-Your-Rapist’ bill binatikos sa Turkey

Lumikha ng mga protesta ang panukalang “Marry-Your-Rapist” bill ng Turkish Parliament kung saan maaaring pakasalan ng rapist ang biktima nito para makaligtas sa parusa.

Sa ilalim ng “marry-your-rapist” law, maaabsuwelto ang mga batang rapist sa parusa kung pakakasalan ang kanyang biktima, ayon sa The Independent.

Ayon sa mga tumuligsa kabilang na ang women’s rights activists, makakahikayat lang ito ng pedophiles, magsasalegal sa statutory rape, child abuse at child marriage.

Nanawagan ang Peoples’ Democratic Party sa kanilang gobyerno na ibasura ang bill, na dati na ring inihain noong 2016 ngunit hindi nakalusot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?