70

Dec 31, 2017 @ 16:54
By

Marriage dissolution, BBL prayoridad ng Kamara sa 2018

Dahil sa mataas na rating, ganado ang mga kongresista na magtrabaho sa 2018.

Sa katunayan, nakalatag na ang ilan sa priority measures na aatupagin ng Kamara sa pagpapatuloy ng sesyon sa January 15, 2018.

Sa isang statement, binanggit ng mababang kapulungan ang kanilang mga prayoridad kabilang ang panukalang Marriage Dissolution na iniakda ni Speaker Pantaleon Alvarez gayundin ang civil union bill.

Nakatakda ring talakayin ang bagong Bangsamoro Basic Law na layuning masolusyunan ang ugat ng kaguluhan sa Mindanao.
Kasama rin ang panukalang magconvene ang Kongreso sa constituent assembly para baguhin ang Saligang Batas at magtatag ng federal form of government. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?