1,315

By

Marlon hindi type ang boobs ni Pia

Sharing is caring!

Dedma rin pala talaga si Marlon Stockinger sa mga posing ng kanyang dyowang si Pia Wurtzbach na karamihan ay very sizzling at eye-catching sa mata ng maraming kalalakihan.

For some kasi, nagiging ugat lamang ito ng away sa pagitan nila lalo na’t karamihan sa mga sexy photo ni Queen Pia na luwa ang kanyang boobs, at nakakaelya ang kanyang figure ay naging viral.

Pero, pa-smile smile lang si Marlon kapag inuusisa ito tungkol dito dahil halos lahat naman pala ng mga photo na mga lumabas ay siya rin ang kumuha.

Kumbaga, very confident siya na sa kabila ng ‘paglalaway’ ng mga ibang Adan sa kanyang labadabs ay hindi ito maaagaw sa kanya and at the end of the day, silang dalawa pa rin ang magkasama kapag wala silang hiwalay na trabaho.

Nang maitanong naman kay Marlon kung ano ang bahagi ng katawan ni Pia ang best asset nito sa kanya ay iba ang inaasahan ng mga netizen ang isasagot niya.

Kasi nga naman, aminado siyang maraming parte ng katawan ni Miss U ang outstanding para sa kanya, pero ang the best nga raw nito ay ang mga mata nito. Hindi ang boobs nito, o ang katawang Coca-Cola o ang kutis na Pinay na Pinay, kundi ang mga mata nitong very expressive.

Well, para sa amin ay okey naman ito dahil, ‘di ba nga, ang mga mata raw ay ang bintana ng ating kaluluwa?

Korekek!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?