300

By

Marlo Mortel at Sue Ramirez, papasok na rin sa Ang Probinsyano

Sharing is caring!

Patuloy sa paghataw ang showbiz career ng tinaguriang Boyfie ng Bayan na si Marlo Mortel.

Kaliwa’t kanan kasi ang projects ngayon ng Kapamilya actor.

Sa Facebook post ni Marlo kahapon, nalaman namin na papasok na rin sila ni Sue Ramirez sa FPJ’s Ang Probinsyano very soon.

Ngayong araw, sa sobrang pagiging busy ay nag-post naman si Marlo na hindi makakarating sa Star Bazaar sa SM Megamall dahil sa taping niya sa naturang serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Saad ni Marlo, “Hi everybody, sorry hindi ako makakarating ngayon sa SM Megamall, nagte-taping po kami ngayon ng Ang Probinsyano, abangan ninyo po iyan.

“But please do support Star Bazaar happening right now sa SM Megamall. Nandiyan po yung booth ko, pati po yung booths ng ibang artists. So, support and shop,” esplika pa ni Marlo hinggil sa booth niyang Ornstal na ang kahulugan ay Oriental Stones and Crystals at nagbebenta ng bracelets na gawa sa semi-precious stones and crystals.

Kamakailan ay pumirma rin si Marlo ng exclusive contract under Star Music at marami na ang nag-aabang sa paglabas ng kanyang album.

Isa pang aabangan sa kanya ay ang movie nilang Petmalu ni Direk Joven Tan na ipalalabas na next month. Nagsu-shooting na rin si Marlo ng MMFF entry nila nina Kim Chui, Miles Ocampo, Dennis Trillo at JC de Vera titled One Great Love para sa Regal Films.

Sa TV naman, regular pa ring napapanood si Marlo sa morning show ng ABS CBN na Umagang Kay Ganda at Knowledge Channel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?