66

Mark Zambrano gigiling sa concert ni Aicelle?

Sharing is caring!

Humo-hopia si Aicelle Santos na magiging bahagi si Regine Velasquez-Alcasid sa coming concert niyang Awit na Aicelle: Aicelle Santos in Concert na magaganap sa Music Museum sa November 24.

Pinalakpakan kasi ang production number niya with Regine, kasama ang ilang singers sa nakaraang R3.0 concert ni Songbird sa SM Mall of Asia Arena.

“Honestly, I felt a bit overwhelmed because the caliber and talent of the girls I was with in the divas production number were amazing,” pag-aalala ni Aicelle.

Of course, alam ng Soul Songstress na nasa Amerika ngayon si Reg dahil sa concert nila ni Ogie Alcasid.

“Kaya hindi naman ako masyadong nag-i-expect dahil loaded din siya sa work,” rason niya.

Hindi man makarating si Regine sa concert, present naman sa guests niya sina Gary Valenciano, The Company, Bullet Dumas, Quest at Myke Solomon.

May partisipasyon ba ang boyfriend niyang si Mark Zambrano?

“Baka magsayaw siya! Ha! Ha! Ha!” biro ni Aicelle sa tanong ng press.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?