338

By

Mark Villar pinakamayaman sa mga milyonaryo, bilyonaryong miyembro ng Gabinete

Nanatiling pinakamayaman na miyembro ng Gabinete sina Public Works Secretary Mark Villar at Energy Secretary Alfonso Cusi na parehong nagdeklara ng net worth na higit P1 bilyon, ayon sa kanilang statements of assets, liabilities and net worth (SALN).

Si Villa rang nangunguna sa pinakamayamang Cabinet member na may net worth na P1.408 bilyon, tumaas ito nang kaunti kompara sa P1.407 bilyon na inireport nito noong 2017.

Dineklara ni Villar ang kaniyang personal properties na nagkakahalaga ng P1.23 billion at real properties na may kabuuang halaga na P179.83 milyon. Mayroon namang P1.5 million liabilities ang public works secretary.

Samantala tumaas naman sa P1.385 bilyon nitong 2018 mula sa P1.356 bilyon noong nakaraang dalawang taon ang net worth ni Cusi. Habang ang cash placements, jewelries, furniture, at fixtures na assests ng energy secretary ay may kabuuang halaga na P1.205 billion.

Idineklara din ni Cusi ang kaniyang real properties sa Metro Manila, Oriental Mindoro, Mandaue City at ang kaniyang business interests sa 6 na kompanya.

Ang iba pang mga Cabinet member na available ang mga 2018 SALN ay pawang mga milyonaryo.

Si Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pamilya ang siyang nagpapatakbo ng Marco Polo hotel chain, ay may declared net worth na P366.78 million.

Si Transportation Secretary Arthur Tugade naman ay nagdeklara ng P306.35 million net worth habang si Communications Secretary Martin Andanar naman ay may P160.4 million net worth.

Sinundan ito ni Health Secretary Francisco Duque III na may net worth na P120.08 million; Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, P114.1 million at P106.52 million naman ay net worth ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Si Presidential Spokesman Salvador Panelo naman ay may P72.9 million net worth.

Ang dating customs commissioner na ngayon ay Technical Education and Skills Development Authority chief na si Isidro Lapeña ay may declared net worth na P70.74 million.

P54.65 million naman ang net worth ni Executive Secretary Salvador Medialdea habang P48.8 million naman ang kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Si Tourism Secretary Bernadette Puyat ay mayroong net worth na P45.29 million, samantala P28.53 million naman ang kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Sinundan ito nina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. (P25.745 million); presidential adviser in peace process Carlito Galvez Jr. (P23.38 million); Social Welfare Secretary Rolando Bautista (P20.01 million); Labor Secretary Silvestre Bello III (P16.38 million); Secretary to Cabinet Karlo Nograles (P12.1 million); at presidential legislative liason office chief Adeline Sitoy (P10.04 million), Education Secretary Leonor Briones (P9.61 million); Defense Secretary Delfin Lorenzana (P8.76 million); acting Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio Jr. (P7.95 million).

Samantala, ang highest paid Cabinet official in 2018 na si Science and Technology Secretary Fortunato dela Pena ay siyang may pinakamababang net worth sa lahat ng mga cabinet member na available na ang SALN. P5.03 million ang idineklarang net worth ni dela Pena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?