69

Oct 4, 2021 @ 20:20
By

Mark Villar nagbitiw sa DPWH

Nagbitiw bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Mark Villar.

Inanunsyo ito ni Villar sa harap ng mga empleyado ng DPWH sa flag raising ceremony na ibinahagi sa official Facebook page ng kagawaran.

“Today’s my last day after five years. I officially filed my resignation effective Wednesday, so I’ll be stepping down on Wednesday as your secretary,” saad ni Villar.

Hindi tinukoy ni Villar ang dahilan ng kanyang resignation pero kabilang siya sa mga miyembro ng gabinete na nasa inisyal na listahan ng mga senatorial candidate ng PDP-Laban.

Madalas na ring lumabas ang commercial niya sa telebisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?