319

Nov 5, 2017 @ 18:52

Mark Herras umaapaw sa galak sa panalo ni Winwyn: “Ikaw na talaga. I love you!”

Habang nagluluksa ang buong showbizlandia sa pagpanaw ng aktres na si Isabel Granada, sa kabilang banda ay nagbubunyi naman ang marami sa mga ito sa pagkakapanalo ng kauna-unahang kinatawan nang Pinas sa Reina Hispanoamericana na si Winwyn Marquez.

Si Winwyn ang natatangi at unang Asian representative na nakornahan sa tinaguriang Latin Beauty queens dominated pageant.

Isa sa mga umaapaw sa galak ay ang kanyang boyfriend na si Mark Herras na nagposte pa sa kanyang Instagram wall nang larawan ni Winwyn na may title ng Reina Hispanoamericana.

@angelosantosherras, “OMG!! Salamat Lord!!! Ga!! Wala ako masabi! Congrats pangggaa!!! Ikaw na talaga. I love you! Wow ga Wow!! We are so proud of you!! @wynmarquez #reinahispanoamericana2017 #reinateresita.”

Ilan sa mga nagposte ng kanilang kasiyahan sa pagwawaging ito ni Winwyn ay ang @majvin_wildflower, isang fan base ng team-up nina Maja Salvador at Vhin Abrenica sa seryeng WildFlower. Si Lj Moreno-Alapag na may ari ng @Lollicakechic.

Ang kanyang team sa ilalim ni Jonas Gaffud.

@jonasempire.ph, “Congratulations Reina teresita! Thank you for bringing pride to the Philippines. There were moments you doubted because you don’t speak Spanish. But here you are. After dreaming of becoming a beauty queen like your aunt Melanie Marquez. Who would have thought you could even bring home an international title. The first ever Asian to compete at Reina Hispanoamericana.”

Sa pagwawaging ito ni Winwyn, nakatuon naman ngayon ang mga mata nang mahihilig sa beauty pageant kay Mariel De Leon para sa pakikipagbakbakan niya sa Korona ng Miss International 2017 na gaganapin sa Japan sa mga susunod na araw.

Malaki ang pressure na nakapatong sa balikat ngayon ni Mariel lalo’t sunud-sunod ang pagwawagi ng Pinas nitong mga nakaraang international competition, ang Miss Earth 2017, Miss Globe2017 at Reina Hispanoamericana.

Tutungo sa Japan ang pamilya ni Mariel kabilang na ang isa sa mga tita niyang si Melissa De Leon para palakasin ang loob nito at iparamdam ang suporta sa dalaga. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?