59

Sep 14, 2020 @ 21:12
By

Mark Herras magkaka-baby na sa fiancee

Masayang binalita ng engaged nang sina Mark Herras at Nicole Donesa na magkakaroon na sila ng anak.

Sa latest vlog ng magdyowa na may pamagat na “YES, we are” sinabi ni Mark na, “We’re happy, we’re proud, and we’re excited to tell you guys, Ico is pregnant!”

Makikita sa video ang ilang eksena sa pagpapa-check up ni Nicole.

Limang buwan na raw ang pinagbubuntis ni Nicole.

“I think it’s a boy. She wants a girl, but I think it’s a boy,” sabi ni Mark.

“Corky” ang tawag nina Mark at Nicole sa kanilang baby.

Pinagsama itong pangalan nina Nicole, Mark at ang baby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?