612

Oct 20, 2017 @ 12:31

Mark Herras, emosyonal sa paghihiwalay nila ni Winwyn Marquez

Punung-puno ng sweetness at pagmamahal ang ginawang paghahatid ni Mark Herras sa kasintahan niyang si Winwyn Marquez sa pagpunta nito noong Miyerkules patungong Bolivia para makipag-compete sa Reina Hispanoamericana beauty pageant.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong lalahok ang Pilipinas sa sinasabing Latinas-dominated beauty competition.

Nakaposte sa Instagram ni Mark ang yakapan nila ni Winwyn na halos magdikit na ang kanilang mga labi sa sobrang pagkakalapit ng kanilang mga mukha.

Emosyonal si Mark sa pansamantalang paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan at sa mensaheng sinulat nito sa kanyang IG para kay Winwyn. Ipinagdasal nito ang kasintahan na maging ligtas at pati na rin sa kapatid nito na kasama nito sa Bolivia.

Sey pa ni Mark sa caption ng photo, ibigay daw ni Lord ang pangarap na ito ng kanyang girlfriend, ang maging Reina.

@angelosantosherras, “I’ll miss you panggaa!! Goodluck sa laban mo! Sobrang proud kameng lahat sayo. Balik ka agad ah..mahal na mahal kita ga. Father God please bless this amazing woman her tita aileen & her brother yeoj..maging safe sila sa mga pupuntahan nila wag nyo po silang papabayaan #reinateresita.”

Marami ang nakyutan at kinilig sa larawang ito ng dalawa na animo’y parte ng kinukunang eksena sa isang teleserye.
Anyways, kailangan ni Winwyn ng suporta ng mga Filipino sa buong mundo, sa pamamagitan ng pag-search ng Reina Hispanoamericana sa Facebook at i-like ang kanyang video at saka i-share.

Ang sinumang kandidata na mangunguna sa poll voting ay automatic na mapapasama sa final 12. Kaya bumoto na kayo. Ako, nakaboto na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?