By

Mark Cardona arestado sa pagsangla ng nakaw na kotse

Sharing is caring!

Nahaharap ngayon kasong estafa at paglabag sa Anti-Fencing law ang basketball player na si Mark Cardona sa Pasay City Prosecutor’s Office matapos na isangla ang sasakyang hindi niya pag-aari.

Ayon kay Supt. Jonathan Calixto ng Philippine National Police(PNP) Highway Patrol Group (HPG)Task Force Limbas isang Michille Flores ang tumungo sa kanilang tanggapan noong ika-31 ng Enero at inireklamo ang basketballl player.

Reklamo ni Flores November 13, 2017 ng isinangla ni Cardona ang sasakyan nitong itim na Subaru Forester sa halagang 300,000 at nangako itong may 20 percent interes siyang makukuha sa pagdating ng November 30, 2017.

Pero pagdating ng November 30, 2017 ay ayaw nang tanggapin pa ni Cardona ang sasakyang isinangla at sinabing wala siyang pera.

Pinagagamit lamang daw ni Cardona ang sasakyang pero dahil hindi naman rehistrado ang sasakyan kaya hindi ito magamit ni Flores.h

Hindi rin maibigay ni Cardona ang mga original copy ng mga dokumento ng sasakyan.

Dito na tumungo sa Land Transporation office si Flores na ikinagalit naman ni Cardona.

Dahil dito, nagsumbong na sa PNP-HPG si Flores upang maimbestigahan si Cardona.

Lumalabas sa imbestigayson ng HPG na isang Jarwin Uy ang nag-report na nawawala ang sasakyan na sa kalaunay natukoy na binili nina Mark Macapagal at Cesar Young.

Ngunit sa imbestigasyon ng HPG, hindi binayaran nina Macapagal at Young ang nakuhang sasakyan kahit na hawak na nila ng official receipt ng sasakyan.

Sa ngayon, hindi pa natutukoy ng PNP kung paano napunta ang sasakyang kay Cardona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?