3,404

Jan 3, 2018 @ 17:34
By

Mark Anthony nakabuntis ng 2 pulis?

Hindi kami tinigilan ng mga tanong tungkol sa balitang kumalat sa social media na may nabuntis daw si Mark Anthony na dalawang lady police nu’ng nakakulong pa ito sa Angeles City Jail.

Halatang fake news lang ito dahil sabi roon sa blog na nagkalat ng naturang balita, galing daw ito kay Claudine Barretto nu’ng na-interview siya ni Mario Dumaual ng TV Patrol.

Sabi pa raw ni Claudine, ipinagtapat daw ito sa kanya ni Mark nu’ng nakakulong pa ito.

Hindi naman daw gaanong nalulungkot sa loob ng kulungan ang aktor dahil meron nga raw nagpapasaya, na bandang huli ay nalamang may dalawang lady police doon na nabuntis at si Mark Anthony daw pala ang ama.

Kung kilala n’yong mabuti ang aktor, puwede kayong maniwala dahil alam naman ng lahat kung gaano ito katulis pagdating sa mga babae.

Kaya tinanong namin si Kuya Mario kung totoo nga bang may interview siyang ganun kay Claudine. Nagulat ang pamosong TV journalist sa balitang iyun. Matagal na nga raw siyang on leave kaya hindi siya nakapag-interview lately.

Wala raw ganun, kaya malinaw na fake news lang ito. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?