3,981

Jan 15, 2022 @ 16:17
By

Mark Anthony kay Claudine: Ano kaya itsura ng anak namin?

Inamin ni Mark Anthony Fernandez na madalas niyang naiisip ang mga “what if?” sa kanila ni Claudine Barretto.

Sabi ni Mark, ano raw kaya ang itsura ng anak nila kung nagkatuluyan sila ni Claudine.

Naisip niya ito habang ginagawa raw nila ng ex-girlfriend ang reunion movie nilang “Deception”.

“Lagi kong iniisip ‘yun. Ang sinasabi ko sarili ko, ang importante close kami ngayon ni Claudine,” tsika ni Mark sa PEP.ph.

“Iniisip ko rin paano kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang itsura ng anak namin?” dagdag niya.

Sa kabila nito, masaya pa rin daw si Mark dahil nagkakausap pa rin sila ni Claudine bilang magkaibigan.

“Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan. Bilang ako ay intense [na tao], natutuwa pa rin ako na kinakausap siya,” anang aktor.

Pareho nang hiwalay sa asawa sina Mark at Claudine. (IS)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?