504

Mark Anthony Fernandez, nakalaya na?

Masayang Pasko ang sasalubong sa pamilya ni Mark Anthony Fernandez matapos ang ulat na nakalabas na ito sa Angeles City Jail kagabi, Disyembre 22.

Sa source ng PEP, na-dismiss umano ang kasong transportation of illegal drugs ng aktor at ang misdemeanor na lang ang naiwan.

Sabi pa sa ulat, ayaw munang magpa-interbyu sa ngayon si Mark dahil gusto muna nitong magpahinga at makasama ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

Matatandaang nag-plead ng not guilty ang aktor sa kasong transporting and possessing a kilogram of marijuana sa regional trial court sa Angeles City.

Naaresto si Fernandez sa isang checkpoint noong Oktubre matapos makuhanan ng marijuana sa sasakyan niya na sinabing ginagamit umano niya bilang cancer prevention.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?