456

Dec 24, 2017 @ 15:01

Mark Anthony Fernandez laya na

Matapos ang isang taong pagkakakulong dahil sa importasyon ng iligal na droga, nakalabas na ng kulungan ang aktor na si Mark Athony Fernandez noong Biyernes.

Sa report ng PEP, lumaya na mula sa pagkakapiit sa Angeles City Jail si Fernandez. Sinasabing na-dismiss na ang kaso nitong at tanging misdemeanor charges na lamang kinakaharap nito.

Si Fernandez ay inaresto noong Oktubre 2016 matapos mahulihan ng isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa kanyang kotse kasunod ng isang chekpoint sa MacArthur Highway sa Angeles City.

Bagamat inamin ng aktor na gumagamit siya ng marijuana, itinanggi nitong sa kanya ang marijuana na nadiskubre ng mga awtoridad sa kanyang kotse.

Si Mark Anthony ay anak ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez at aktress na si Alma Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?