1,244

Oct 18, 2019 @ 14:41
By

Marjorie, Nicole binastos ang burol?

Pagka-shock ang kaisa-isang emosyong naramdanan ng mga kababayan natin sa naganap na gulo sa pagitan ng magkakapatid na Barretto sa mismong burol ng kanilang amang si Daddy Mike.

Sa isang mahalagang pagkikita-kita sana nila bilang pagbibigay-pugay sa pinakahuling sandali sa namayapang poste ng kanilang pamilya ay hindi ganu’n ang naganap.

Ano ba ang spelling ng respeto? Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging edukado? Alam daw kaya nila ang tamang pakahulugan sa breeding?
Sa mismong lamay ng kanilang ama ay may nagsigawan, may nanghablot ng buhok, may nagmura nang nagmura at umaalingawngaw ang mga pasosyal na termino.

Walang nakapagpigil ng galit sa magkakapatid, galit na galit si Marjorie kay Gretchen, halos isumpa naman ang aktres ang kanyang kapatid na kung tawagin niya ay magaling lang kapag may kailangan.

Hindi na nila nirespeto ang bangkay ng kanilang ama ay hindi rin sila nahiya sa presensiya du’n ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi man lang nila naisip ang kapakanan at kalagayan ni Mommy Inday Barretto.

Tumangging nakipagbati si Marjorie kay Gretchen, pumorma namang sisipain ni Nicole na anak ni Jay-Jay si Gretchen, kaya nang makatiyempo si La Greta ay hinagip niya ang mahabang buhok ng kanyang pamangkin at sinabunutan.

Ang lugar ng burol ay napuno ng mga sosyaling komentong “Stop it!” “Not here!” “Oh, my God!” “You started it all!” “Why are you here? You’re not even invited!” At kung anu-ano pang sopistikadang mga komento ng mga nandu’n.

Komento ni SOS, “Hindi man lang nirespeto nina Marjorie at Nicole ang burol, kahit ang presensiya ni PRRD, e, binalewala nila! Plastic daw si Gretchen sabi ni Marjorie, pero para sa amin, mas mabuti nang maging plastic kesa sa bastos!

“Sa labanang ito, Team Gretchen kami for the win!” sabi pa ng sutil naming anak-anakan.

Muli ay nabuhay ang pamilyar na linyang “What is beauty if your panty is dirty!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?