7,264

Jun 25, 2022 @ 14:59
By

Marjorie may sagot sa isyung ‘pang-iisnab’ ng mga anak kay Dennis

Sinagot ni Marjorie Baretto ang isyung pang-iisnab ng mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon sa amang si Dennis Padilla.

Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang post ni Dennis ukol umano sa hindi pagbati sa kanya ng mga anak noong Father’s Day.

Sa “Showbiz Update,” sinabi ni Ogie Diaz na nakausap niya si Marjorie sa Thanksgiving ni VP Leni at Senator Kiko Pangilinan.

Aniya, sinabi ni Marjorie na darating din ang araw na magsasalita sila sa naturang isyu upang maintindihan ng mga netizen ang totoong sitwasyon.

“Ang sinabi lang ni Marjorie, ‘In time’ o darating din yung oras, o panahon na magsasalita rin siya para mas maintindihan ng mga tao ang totoong sitwasyon. Umaasa rin si Marjorie na poproteksyonan pa rin ni Dennis ang kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon,” sey ni Ogie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?