323

By

Marjorie Barretto kabado sa biyahe ni Julia sa Mexico

Isang magandang regalo ang ibinigay ni Julia Barretto sa kaniyang sarili matapos ang serye nitong ‘Ngayon at Kailanman’.

Byahe sa iba’t ibang bahagi ng Mexico ang bakasyon na in-enjoy ng kapamilya actress.

Aminado naman ang ina nito na si Marjorie Barretto na nakaramdam siya ng pangamba habang naghahanda noon si Julia para sa naturang trip.

Ibinahagi nito sa kaniyang Instagram post na napaka-clingy ni Julia since birth kaya kabado man naging masaya siyang makita ang kalayaan ng anak.

View this post on Instagram

Julia is the clingy child…since birth… During her debut, I got a choir to sing along with the Manila Philharmonic Orchestra the part of a song that goes.. Spread your wings and prepare to fly, for you have become a butterfly Oh, fly abandonedly into the sun If you should return me We truly were meant to be So spread your wings and fly Butterfly I have to admit I was having anxiety during the days she was planning to go to places I have never even heard of,she asked me to go with her, but it was crucial for me to not leave my 4 other kids with so much going on for all of them. But seeing her beautiful photos, and seeing her face more beautiful and mature, I know, as hard it is for me to let go, I know it’s for her BEST. I truly miss you Jul, but my heart is so happy seeing you so free. I can almost hear you exhale. I feel you…❤️

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on

Saad ni Marjorie, inaya umano ito ni Julia na sumama sa kaniya sa Mexico ngunit hindi niya umano maiiwan ang apat niya pang mga anak na sina Dani, Leon, Claudia at Erich.

Unti-unti rin namang napawi ang pangamba ng ina nang mapagtanto nitong para sa ikabubuti ng anak ang pag ‘let go’ rito.

“I truly miss you Jul, but my heart is so happy seeing you so free,” aniya.

“I can almost hear you exhale. I feel you…” saad nito sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?