97

By

Maritoni sa Thailand nagpabakuna ng Dengvaxia

Lumipad pa-Bangkok, Thailand ang aktres na si Maritoni Fernandez para magpabakuna ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

โ€œFinally got my first of three dengue shots but had to come to Bangkok for it. Not complaining. Good excuse to shop and eat and meet up with dear old school friends from England. Thank you Lord! I am so blessed,โ€ saad ni Maritoni sa kanyang Instagram post.

Sinabi ni Maritoni sa nauna niyang post na nagkaroon na siya noon ng dengue.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang Dengvaxia matapos aminin ng manufacturer nito na Sanofi Pasteur na delikado ang pagbabakuna nito sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?