30

May 13, 2021 @ 17:14
By

Maritoni Fernandez, mister fully vaccinated na kontra COVID

Fully vaccinated na laban sa coronavirus si Maritoni Fernandez at kanyang non-showbiz husband na si Mon Dayrit.

Sa kanyang Instagram, masaya itong ibinalita ng aktres sa pag-post ng kanyang larawan habang nakapila sa isang pasilidad sa Parañaque City.

“In line for our second dose of the Sinovac vaccine. Thank you City of Parañaque. It is relaxed, organized and moves quickly. Aircon pa! Thank you Lord Jesus,” caption ni Maritoni.

Unang tinurukan ng COVID vaccine ang aktres at kanyang asawa noong Abril 14.

Taong 2001 na-diagnose si Maritoni ng Stage 2A Breast Cancer noong nasa Amerika pa siya kasama ang kanyang ina at kalaunan ay nakarekober matapos ang gamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?