56

Dec 14, 2017 @ 14:56
By

Maritime relations ng Pinas, Pakistan palalakasin

Inaasahang mas bubuti pa ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Pakistan.

Ito ay dahil sa pagsasagawa ng goodwill visit ng Pakistan Navy Ship na SAIF na isang anti-submarine vessel na may kasamang helicopter na Z9EC.

Ang naturang goodwill visit ay tatagal ng mula ngayong Disyembre 14 hanggang Disyembre 17, 2017.

Bilang bahagi naman ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang puwersa ay magsasagawa ang mga ito ng serye ng mga confidence building engagements sa pagitan ng Philippine Navy at Pakistan Navy Ship.

Bibisita rin ang mga Pakistani sa mga national at historical locations sa Maynila at magsasagawa ng goodwill games, gift-giving at dadalo ng mga hosted dinner at send-off ceremony.

Ang naturang goodwill visit ay naglalayon na mas palakasin pa ang Pakistan-Philippine relations kasabay ng pagsulong ng pagkakaibigan at pagkakaisa, gayundin ang mutual understanding ng dalawa sa pamamagitan ng naval diplomacy. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?