254

Jul 5, 2022 @ 20:49
By

‘Marites’ sunog kay Dela Rosa: Naisahan ko rin kayo!

Butata kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang isang social media page na nagtatampok ng mamahaling relong naiispatang suot ng mga kilalang personalidad sa Pilipinas.

Itinampok ng Watch Spotter PH ang suot na relo ni Dela Rosa na diumano’y Patek Philippe, na isang Swiss luxury watch na nagkakahalaga ng milyon.

Sa Facebook, binuska ng senador ang naturang page na nag-akalang mamahaling Patek Philippe ang relo niyang ginamit sa panunumpa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, murang lookalike ang suot niyang Seiko watch na binili niya sa halagang P14,000.

“Sa mga ulol dyan na marites, naisahan ko rin kayo! Yung relo ko na seikopatik na 14k php ginawa ninyong patek philippe na 560m php. Ha ha ha,” saad ni Dela Rosa sa Facebook post. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?