146

Sep 28, 2021 @ 15:26
By

Maris tinawag na ‘babe’ si Rico

Close na si Rico Blanco sa pamilya ng kanyang girlfriend na si Maris Racal.

Ipinagdiwang ni Maris ang kanyang 24th birthday kasama ang kanyang family at naroon din ang boyfriend niyang si Rico.

Ibinahagi ni Maris ang video ng naging bonggang birthday celebration niya sa kanyang YouTube channel.

Maraming fan ang kinilig matapos tawagin ni Maris na “babe” si Rico para magpa-picture sila.

“It’s your time to shine babe picture na tayo,” sey ni Maris.

Binigyan siya ni Rico ng bouquet of roses bago nag-smile sa camera.

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang relasyon ng dalawa dahil sa 24 taong age gap nila.

48-anyos si Rico habang 24 si Maris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?