147

By

Maris tameme sa ‘I love you’ ni Iñigo

Nag-imbita ang fan ni Kapa­milya star na si Maris Racal sa album launching niya.

Pero hindi kami nakarating, pero nakakatuwa na supportive ang mga fan ni Maris at talagang sila pa mismo ang nag-iimbita ng press.

Hindi man kami nakarating, napanood namin sa post sa social media ang performance nila ng boyfriend na si Iñigo Pascual.

Aba, kung si Maris ay halatang nagulat sa sinabi ng anak ni Piolo Pascual nang matapos ang kanta nila, na kitang-kita sa video na hindi ito nakapag-react at napahampas na lang kay Iñigo.

Hindi yata napigilan ni Iñigo ang sarili at biglang tila pabulong sana pero dinig na dinig naman ang pag-a-I love you niya.

O siyempre, ang kilig na kilig ay ang mga fan ng dalawa. At napabilib ni Iñigo ang mga fan dahil malakas daw ang loob nito at hindi takot mag-express ng nararamdaman. Hindi lang sa harap ng mga tagahanga nila, maging sa magulang ni Maris na nasa audience rin.

Walang duda, in-love na in-love talaga ang unico hijo ni Papa P!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?