178

Jun 12, 2021 @ 13:50
By

Maris Racal, Rico Blanco sabay nagpaturok

Pinusuan ng mga follower ni dating Rivermaya vocalist Rico Blanco ang first-time niyang pag-post ng litrato kasama ang kanyang nobyang si Maris Racal.

Magkasamang nagpabakuna laban sa coronavirus ang dalawa ngayong Sabado, at nag-post din si Maris ng larawan nito sa kanyang Instagram account.

“Yayy first dose sa araw ng kalayaan. Tara magpabakuna na, mga bestfriend!” caption ni Rico.


“Happy Independence Day! magpabakuna ka na bestie,” sey naman ni Maris.


Kamakailan ipinaramdam ni Maris na wala siyang pakialam kung malayo ang agwat ng edad nila ni Rico sa pag-post ng “Age is just a number” matapos kumpirmahin ang relasyon nila.

48-anyos na si Rico habang 23 year old ang aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?