88

By

Maris Racal, inspired kay Iñigo

Sharing is caring!

Umamin na sa ‘mutual understanding’ status nila ni Iñigo Pascual si Maris Racal sa panayam namin sa Kapamilya actress sa presscon ng MMFF 2017 movie entry nilang ‘Haunted Forest’ na pinagbibidahan din nina Jane Oineza, Jon Lucas at Jameson Blake, kasama rin nila sina Joey Marquez at Raymart Santiago, sa direksyon ni Ian Loreños.

Hindi na itinanggi ni Maris na may magandang pagtitinginan na namamagitan sa kanila ni Iñigo nang sabihin nitong ang nasabing anak ni Piolo Pascual ang nagpapa-inspire sa kanya ngayon.

Sabi pa nga ni Maris, ang closeness nila ni Iñigo ang siyang nagbibigay ng happiness at ngiti sa kanya sa bawat paggising niya sa umaga.

May dalawang buwan na raw ang kanilang MU ayon ay Maris na nagsimula nitong September.

Marami kasi silang pagkakapareho ng young singer lalo na music at nai-inspire siya nitong lalong paghusayin ang kanyang talent.

Inamin din ni Maris na nang mag-guest siya sa concert ni Iñigo at nasundan pa ng guesting niya sa iba pang mga shows nito, doon na nagsimula ang kanilang closeness hanggang sa magkalapit ang kanilang kalooban.

Nilinaw ni Maris na niligawan naman siya ni Iñigo at dahil nga mabait, supportive at masayang kasama ang mang-aawit, nahulog daw ang loob ng young star sa singer-recording artist.

Hindi pa raw official ang kanilang relasyon ni Iñigo ayon pa rin kay Maris, pero ‘exclusively dating’ na raw sila para sa isa’t isa. Na ang ibig sabihin ay hindi na puwedeng makipag-date ang sinuman sa kanila sa iba.

Twenty years old na si Maris, ‘yun nga lang hindi pa niya nakikita ang sarili na makipag-boyfriend sa kahit sino.

Maganda raw na bukod sa mutual understanding ay may friendship silang dalawa ni Iñigo.

Alam daw ng ama ng hunk singer na si Piolo ang romantic closeness nilang dalawa. Naaaliw nga raw si Maris kay Piolo dahil lagi silang binu bully nito ni Iñigo.

Malaking tulong kay Maris ang pag-amin niyang ito sa kanila ni Iñigo para matantanan na siya sa tsismis tungkol sa pagiging friends naman nila ni Diego Loyzaga.

Ipinagdiinan ni Maris na hindi talaga naging sila ni Diego. Kuya raw talaga ang turing niya dito kaya imposibleng magkaroon sila nito ng relasyon. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?