280
Maris Racal, Iñigo Pascual kanya-kanya na?
By

Maris Racal, Iñigo Pascual kanya-kanya na?

Marami ang nakapansin na bibihira nang magkasama ang MarNigo love team batay sa mga post nito sa social media.

Sinagot ito ni Maris Racal at sinabing hindi nila iniisip ni Iñigo Pascual na kailangan talagang i-post nila parati ang isa’t isa.

Tuwiran ding sinabi ni Racal na never naging sila ni Iñigo.

“Ayaw lang namin maging like visible together as a love team kasi may tinatahak na gusto, na iba-iba kami ng gusto. Siya music, international; ako acting and then writing. So very iba. So ayaw lang namin na ‘yung mga tao sa paligid namin hindi mapaghiwalay ‘yung idea of us together kasi mahihirapan din kami. Like, how we will grow? So paano namin mao-open yung ibang tao na mayroon kaming ginagawang ganito,” ani Racal sa isang interview sa Cinema One.

Umapela naman ito sa mga fan na sana umano ay mapalitan na ang outlook na ‘yung relationship lang ‘yung after sa kanila.

“Sana ‘yung nagsu-support sa amin ay i-support niyo kung ano ‘yung ilalabas namin,” dagdag pa niya.

Nagsimula ang love team nila ni Iñigo sa “Pinoy Big Brother: All In” noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?