505

By

Maris Racal humahalimuyak ang kaseksihan

Dahil lang sa Twitter post ni Inigo Pascual na ‘Bought myself a new babe!’ kung ano-anong masasakit na salita na ang ibinato ng ilang netizen kay Maris Racal.

Sila nga ang ‘yung mga fan na galit kay Maris dahil sa pagsama nito kay Carlo Aquino at Bela Padilla sa Siargao.

‘Wala nang MarNigo (Maris-Inigo) dahil basura kasi si Maris,’ sabi ng ibang mga fan, na ikinagalit nga ng mga loyal supporters ng MarNigo, dahil bakit kailangan nga raw mag-react ng ganun ka-negative.

Anyway, makikita sa Instagram wall ni Carlo Aquino ang mga sexy photo ni Maris na kuha nga sa bakasyon nila sa Siargao. At yes, titingnan mong papayat-payat si Maris, pero bongga rin pala ang kaseksihan nito.

Bagama’t hindi pa masyadong develop ang katawan nito, pero ang lakas ng dating niya sa mga kalalakihan. Para nga siyang halaman na ngayon pa lang namumulaklak at mabangong-mabango. Humahalimuyak talaga ang dating niya lalo na sa mga kalalakihan na type na type ang sariwang tulad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?