60

Jun 22, 2022 @ 17:38
By

Maris natakot ilantad relasyon kay Rico

Inamin ni Maris Racal na natakot siyang ilantad ang relasyon nila ni Rico Blanco.

Sa bagong vlog ni Maris, nag-date sila at kumain ng ihaw-ihaw.

Pinag-usapan nila ang mga “first” nila as a couple.

Hirap daw silang mag-date noon nang maging sila. Patago ang unang date nila sa Las Vegas sa Amerika.

“Ayaw nating makita ng mga tao kasi takot tayo baka hindi nila tayo maintindihan,” ani Maris.

Kinontra naman ito ni Rico at sinabing si Maris lang ang natatakot.

“Ah ako lang pala ‘yung takot, ikaw ‘yung hindi,” bawi ni Maris.

Matatandaang pinag-usapan ang relasyon nila dahil sa 25-year age gap ni Maris sa Rivermaya former vocalist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?