108
views

By

Maris, Loisa, Maymay makakasama ni Vice sa MMFF

Sharing is caring!

Pasok sa 2018 Metro Manila Film Festival ang “Fantastika, the Princesses, the Prince, the Perya” na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Makakasama niya rito sina Maris Racal, Loisa Andalio, at Maymay Entrata.

Inanunsiyo ang balita sa MMFF committee’s livestream sa Facebook.

Ito na ang ika-pitong pelikula ng ‘unkaboggable’ comedian sa festival.

Ilan pa sa official entries na sa MMFF ang “Aurora” ni Anne Curtis, “Girl in the Orange Dress” nina Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Kim Chiu at Tom Rodriguez; at “Popo en Jack: The Pulisincredibles” nina Bossing Vic, Coco Martin at Maine Mendoza. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?