118

Jan 24, 2019 @ 21:57
By

Marion super saya sa Grammys invitation

Abot hanggang langit ang reaksiyon ng Filipino singer na si Marion Aunor matapos nitong makatanggap ng imbitasyon para sa Grammy Awards Night na gagawin sa February.

Sisiguraduhin daw ni Marion na makaka-attend siya sa February 10 dahil noong nakaraang taon ay na-invite na rin siya, pero hindi siya nakapunta dahil nagkasakit siya.

Sabi nga niya, “Got my GRAMMYs and will definitely be attending the ceremony on February 10.”

Ayon pa sa kanya, ipinagmamalaki niya at ikinararangal niya na pumunta bilang miyembro ng Recording Academy na ito.

Aba, bongga nga talaga etich!

Siyempre, itinuturing na pinaka-prestigious award-giving body ang Grammy sa larangan ng musika all over the world, at ang rumampa sa red carpet nito ay nakakatangos talaga ng ilong, noh!

Isa si Marion sa masasabing underrated singers n gating bansa, but definitely, isa sa pinaka-talented dahil hindi basta-basta ang compositions niya at world-class din ang timbre ng kanyang boses.

‘Yun na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?