456

Jul 30, 2018 @ 21:02
By

Marines ibabala vs NPA sa Cagayan

Magpapadala si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga tropa ng Philippine Marines sa Cagayan para labanan ang New People’s Army (NPA).

Isa ang Cagayan sa mga balwarte at lugar kung saan aktibo ang mga NPA sa pananambang at pagpatay sa mga taga-gobyerno.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Port Irene, Sta. Ana, Cagayan.

“Getting rid of the NPAs, I said the…for sending the Marine here. And they are behaved because they are protecting us and paid by the government,” anang Pangulo.

Minaliit naman ng Presidente ang kakayahan ng mga NPA na magpataob sa gobyerno dahil katiting lang naman aniya ang puwersa ng mga ito pero nagpipilit na labanan ang pamahalaan.

“What’s the point of killing people, killing the soldiers for what? And you have not been able to realize even in a scale of 1 to ten — hanggang 1.1 lang kayo hanggang ngayon and yet, you insist in fighting government,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?