77

Mar 23, 2020 @ 17:06
By

Marinduque may isang kaso ng COVID-19

Nakapagtala na ng isang kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lalawigan ng Marinduque.

Kinumpirma ng municipal health office ng bayan ng Torrijos na isang residente umano nito ang positibo sa virus.

Dumating umano ang pasyente sa probinsya noong Marso 12. Galing ito sa Metro Manila at nagpakita ng sintomas ng COVID-19, matapos ang dalawang araw ay dinala ito sa Marinduque Provincial Hospital.

Naka-home quarantine umano ang pasyente ngayon matapos bumuti ang kondisyon, at walang iba pang kasama nito sa bahay ang nagpakita pa ng sintomas.

Nagpapatuloy naman ang awtoridad sa pagsasagawa ng contact tracing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?