38

By

Marikina River nasa ikatlong alarma na

Sharing is caring!

Umapaw na naman ang Marikina River sa patuloy na pag-uulan buong araw ng Sabado kaya itinaas na sa ikatlong alarma dahil umabot na sa 18.01 meters ang water level nito.

Dahil pumasok na rin ang tubig baha sa ilang lugar at barangay ng Marikina, pinalikas na ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog dahil sa posibilidad na lumakas pa ang hanging Habagat na dulot ng bagyong Karding.

Ayon sa Marikina Public Information Office, bandang 3:22 ng hapon ay umabot na sa 17 meters ang taas ng tubig sa ilog kaya pinalikas ang mga residente ng barangay na malapit sa ilog na kung saan umaabot sa 528 pamilya o nasa 2,530 katao ang nasa evacuation centers na.

Nasa 171 pamilya at 971 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa Bulelak covered court, nasa 191 pamilya ang nasa Malanday Elementary School, anim na pamilya ang nasa Sta. Elena Elem. School, dalawang pamilya o lamang o nasa pitong indibidwal ang nasa Tanong High School.

Nasa 103 pamilya naman ang nasa Nangka Elementary School, CIS Elem. School ay nasa 54 pamilya ang nailikas, H. Bautista School ay may isang pamilya pa lamang ang nanunuluyan na may limang indibidwal.

Base sa monitoring ng Marikina Rescue 161, hindi madaanan ng anumang sasakyan ang Lilac Corner Olive Street habang nasa walong pulgada namang tubig baha ang makikita sa Marikina bridge loop.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?